Merry Christmas sa lahat... gusto ko lang mag-greet kung sino man nagbabasa maliban kay sir... pasensya na kung ganito lang blog ko, hindi naman kasi talaga ako yung blogger na person e...
anyway, 2 weeks na rin yung christmas break and 1 week na lng to go... hindi ito yung pinakamasaya na break para sa akin... wala masyado ginagawa... nung 1st week puro requirements pa kaya hindi ko masyado maenjoy... noong natapos nalahat, wala naman ako magawa... kaya nung nagkaroon ng "gimik" kung gimik man ang tawag doon, sumama na rin ako kahit kulang sa funds...
papunta pa lang ng gateway, mahabang adventure na nangyari sa amin... nagmeet kami ni ian, angel at pierre sa mcdo.... dapat 9 pero hindi naman lagi nasusunod yung mga ganon.... nagdecide kami na mag MRT na lng, thinking na ito yung the easiest way to go to gateway... madali lang nga kung hindi ka lang maglalakad ng medyo mahaba tapos aakyat ka para tumawid tapos bababa ulit tapos maglalakad ulit... nakarating naman kami ng station pero puno ng tao... pagakyat mo pa alng ng stairs makikita mo na yung pila... so nagdecide kami na bumamaba na lang at mag taxi... pati pala taxi ang hirap kumuha doon... ayun, napilitan kaming bumalik ng SM para lang kumuha ng taxi...
nakarating din naman kami s agateway... 1 hour late nga lang at nagmeet kami sa starbucks... tapos nanood kami ng movie... nasayang lang din pera namin, hindi naman namin nagustuhan yung "Tenacius D"... ewan, ang labo niya... commedy na magulo... basta.... tapos nagtimezone kami, wala akong balak maglaro kasi mauubos pera ko doon... pero napilitan din nung sinubukan namin yung "Dance Freak".... nakakaasar lang siya!! ang bilis namin mag-fail ni Non pero sila angel, ian at chu hindi naman.... kaya ayun, umikot kami sa timezone at naglaro na lang ng air hockey... pati air hockey may nagawa pa kaming masama.... umalis na alng tuloy kami at sa timezone arena na lng kmi naglaro...
tapos kinuha namin yung picture namin... pati sa picture walang nangyari... wala lang... nagpose lang doon, parang wala ngang buhay e... tapos naisiipan na rin namin umuwi... Nag MRT na kami this time... hehe... ayun doon na kami naghiwahiwalay.... hindi siya yung pinakamasaya pero minsan lang din kasi mangyari ito... kaya ok lng...
tapos ngayon, wala.... antok na ako... sobrang busy ng day na ito.... 4 am gumising na ako kasi alis kami papuntang quezon province... every year lagi kami doon nagcchristmas.... masya pa rin naman kahit nakakapagod....